
About this song
Bintana Lyrics
Bintana is a captivating Filipino Hip-Hop/Rap masterpiece, brought to life by the artistic prowess of Repablikan. The song’s lyrics and music are the handiwork of Siobal D, demonstrating expertise in both composition and production, capturing the essence of this creation through versatile talent. Bintana was released on June 23, 2023. The song has captivated many and is often searched for with the query “Bintana Lyrics”. Below, you’ll find the lyrics for Repablikan’s “Bintana”, offering a glimpse into the profound artistry behind the song.
Listen to the complete track on Amazon Music
Choose your script
Read the Song Lyrics
Sa pagpikit ko ng mga mata, handa nang managinip
Kasabay sa paglipad ng aking diwa, ang pag-ihip
Ng hangin patungo sa lugar na kung saan maari
Kang hawakan at yakapin, ‘kaw ang reyna, ako ang hari
Ng kaharian na sa pagdilat ko’y nawawala
Pilitin mang pigilin ‘to, wala akong nagagawa
Upang ang ‘sang katulad mo, na sa bintana sinisilip
Makasama, makausap nang hindi na pinipilit
Dahil alam ko na mundo natin magkaiba
Sinusundo ka na ng boyfriend mong ang kotse ay lima
At nag-iba ang mundo ko, mula nang di sinasadya
Magkabanggaan at nahulog, kwintas mong pinasadya
Pa at kabibigay pa lamang ng boyfriend mong mayaman
Ngunit sa ‘yong mata ay may lungkot na di malaman
Na pilit tinatago ng iyong mga pameme ammuta
Sana hindi lang sa bintana makikita kang muli
Hirap at sakit ay di alintana
Masilayan ka lang dun sa bintana
Lahat ay gagawin upang iyong malaman
Ang pag-ibig ko’y tunay, walang alinlangan
Tila yata kapalaran na ang sa ‘kin tumutulong
Nang hindi sinasadyang muli tayong magkasalubong
At labis kong kinagulat nang ako ay kausapin
Tila ang lahat ng tao’y nakatingin sa akin
Tayo’y naging magkaibigan, sumbungan at sandalan
Ngunit lahat pala ng mga bagay may hangganan
Nang ikaw ay magpaalam na do’n na maninirahan
Kung saan ang pagbalik mo ay malabo nang asahan
Gusto man kitang pigilan, wala ‘kong nagawa
Tila ang lahat ng sa ‘kin ay biglaang nawala
At mula noon, sa ‘yo ay di na nagkaroon ng balita
Sana’y muli kang makita, kahit man lang sa bintana
Mula nang nakilala ka
Hindi ka na naalis sa aking isipan
Sana’y malaman mo ang tunay
Na nadarama ng puso ko para sa ‘yo
Alam mo bang ikaw lang ang aking mahal?
Lahat ay gagawin upang iyong malaman
Nang ikaw ay dumating sa buhay kong ito
Muling umiikot ang aking mundo
Sa puso kong ito, ikaw ang kailangan
Ang pag-ibig mo, dahil minamahal kita
