
About this song
Bakit Ba Kinikilig Nanaman Ako Lyrics
Dilaw is a captivating Filipino Alternative masterpiece, brought to life by the artistic prowess of Maki. The lyrics of the song are penned by Ralph William Datoon & Viktor Nhiko Sabiniano, while the production credits go to Nhiko Sabiniano. Dilaw was released on May 24, 2024. The song has captivated many and is often searched for with the query “Bakit Ba Kinikilig Nanaman Ako Lyrics”. Below, you’ll find the lyrics for Maki’s “Dilaw”, offering a glimpse into the profound artistry behind the song.
Listen to the complete track on Amazon Music
Choose your script
Read the Song Lyrics
(La, la, la, ah)
Alam mo bang muntikan na sumuko ang puso ko
Sa paulit-ulit na pagkakataon na nasaktan, nabigo?
Mukhang delikado na naman ako
Oh, bakit ba kinikilig na naman ako?
Pero ngayon ay parang kakaiba
‘Pag nakatingin sa ‘yong mata, ang mundo ay kalma
Ngayong nandiyan ka na, ‘di magmamadali
Ikaw lang ang katabi hanggang sa ang buhok ay pumuti
‘Di na maghahanap ng kung ano’ng sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Hinding-hindi na ako bibitaw
Ngayong ikaw na ang kasayaw
Kung mayro’n mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw, ikaw ay dilaw
‘Di akalaing mararamdaman ko muli ang yakap ng panahon
Habang kumakalabit ang init at sinag ng araw (sa lilim ng ulap)
Mukhang ‘di naman delikado
Kasi parang ngumingiti na naman ako (ngumingiti na naman ako)
Kaya ngayon, ‘di na ‘ko mangangamba
Kahit ano’ng sabihin nila (oh)
Ngayong nandiyan ka na, ‘di magmamadali
Ikaw lang ang katabi hanggang sa ang buhok ay pumuti (oh)
‘Di na maghahanap ng kung ano’ng sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Hinding-hindi na ako bibitaw
Ngayong ikaw na ang kasayaw
Kung mayro’n mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw, ikaw ay dilaw
(Oh, ikaw, oh)
(Ikaw ay dilaw)
Ngayong nandiyan ka na, ‘di magmamadali
Ikaw lang ang katabi hanggang sa ang buhok ay pumuti
‘Di na maghahanap ng kung anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Ngayong nandiyan ka na, ‘di magmamadali
Ikaw lang ang katabi hanggang sa ang buhok ay pumuti
(Oh, hanggang sa ang buhok ay pumuti)
‘Di na maghahanap ng kung ano’ng sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko (ikaw, ikaw, ikaw)
Hinding-hindi na ako bibitaw
Ngayong ikaw na ang kasayaw (ngayong ikaw na ang kasayaw)
Kung mayro’n mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw, ikaw ay dilaw (ah)
