Tala, Pt. 2 Lyrics

Lyrics & meaning

Tala, Pt. 2 (Paglalambing)

Flickt OneKAWAYANLil Ron

FromAllstar Productions: Collections 101 ReleasedJuly 17, 2016

About this song

Tala Part 2 Lyrics

Tala, Pt. 2 (Paglalambing) is a captivating Filipino Hip-Hop/Rap masterpiece, brought to life by the artistic prowess of Flickt One, KAWAYAN & Lil Ron. The composition and the production credits for the song go to Robin Buñales Santos of CRSP. Tala, Pt. 2 (Paglalambing) was released as a part of the album Allstar Productions: Collections 101 on July 17, 2016. The song has captivated many and is often searched for with the query “Tala Part 2 Lyrics”. Adding to its allure, the song features the captivating presence of Mae Diamante & Allstar Al, enhancing the overall appeal of this musical masterpiece. Below, you’ll find the lyrics for Flickt One, KAWAYAN & Lil Ron’s “Tala, Pt. 2 (Paglalambing)”, offering a glimpse into the profound artistry behind the song.

Listen to the complete track on Amazon Music

Choose your script

Read the Song Lyrics

Lyrics text size: 100%

Naway matandaan, hindi ba?
Akin nang naipagtapat sa iyo,
Na kapag ako’y iyong minahal
Ay ipinapangakong buo

Ako sa’yo magtitino, na ang mapaglaro
Sapagkat ang totoo, magbabago
Kaya ibinigay ko lahat ng pagtatapat
Na alam kong iyong hanap

Ni ang pakabahin ka ay hindi ko ginawa
Labis ang aking pag-iingat
At di ko masabing di kapanipaniwala
Sapagkat aking naipakita sa iyo

At napatunayan, hindi lamang sa iyo
Kundi maging sa aking sarili
Na mayroon pang pag-ibig na totoo
Kaya’t ganoon na lamang

Ang aking pagpapahalaga sa pag-iibigang ito
Ang sipit ng nakahandang humarap
Tumatanggap ng pananagutan
At sana maturuan mo rin ang puso mo
Na makatagal at huwag agad-agad na manlalamig

Dahil itong puso ko, nais ko lang mapuna
Mo kung di mo pa pansin
Na ito ay naigapos ko sa iyo
Nang napakahigpit

Ang ibig ko lang sabihin, kahit ipilit mo man
Ay di kayang awatin ng aking sinanay na maglambing
At ang nasakop mo na ng buong-buo

Sa tuwing nanlalamig ka, mas lalong naglalambing
Ang pusong tinutulak mo palayo
Hinding-hindi ako sa’yo
Magtatangkang bumitaw
Ako’y nasakop mo, buong-buong buo

Pero bakit ngayon, biglaang tumamlay ang pagmamahal?
Na iyong ibinigay, bakit parang biglaang tumabang?
May iba na bang sa’yo’y lumilibang?

Pero kahit na ganoon, pinipilit ibalik
Na muling tumamis ang iyong mga halik
Ako’y nasasabik sa muli mong pag-init
Kikiligin pa ba sa mga simpleng mong tapik?

Malamang, kasi di ko hahayaan lang,
Na magtampo’t manlamig sa maliit na bagay.
Sana’y di masanay na laging nag-aaway.
Ayokitang mawalay, ano pa bang patunay ang kailangan mo?

Para lang malaman mo, na mas uunahin ko,
Pinapahalagahan ko ang tayo.
Tayo lang at wala nang iba,
Gagawin ko ang lahat, huwag ka lang mag-iba.

Pero tila nag-iba, kung ihahambing ko,
Sa dating pagtingin mo.
Minsan di ko madama, paano na ito,
Kung papahintulutan kong manaig ang gulo?
Gayong mahal pa kita.

Kaya ganoon na lang kung aking ipaglaban.
Sasandalan na lang ang paniniwalang,
May pag-asang kayang maigapang ng paglalambing,
Ang ating pagmamahalan.

Ipagpipilitan ko ang dapat, sapagkat,
Alam kong ito ang nararapat.
At hinding-hindi ako papayag,
Hanggat ang kalooban ko’y hindi panatag.

Kaya asahan mong di ako bibitaw,
Yayakapin kita sa iyong tag-ginaw.
Habang positibo pa rin ang pananaw,
Pag-iibigan pa rin ang siyang mangingibabaw.

Sa tuwing nanlalamig ka, mas lalong naglalambing,
Ang pusong tinutulak mo palayo.
Hinding-hindi ako sa’yo,
Magtatangkang bumitaw.
Ako’y nasakop mo, buong-buong buo.

Habang pinagmamasdan ko ang mga tala,
Hinihiling ko na sana’y biglang magbago,
Ang ikot ng mundo.
Bumalik ang mga panahong ikaw pa at ako’y masaya.

Naglalakad at magkahawak ang kamay,
Nakatingin sa kalangitan,
Habang tayo’y nangarap ng sabay.
Parang nakasakay sa ulap,
Ganyan ang pakiramdam ko.

Minsan parang ayoko nang matapos pa,
Subalit bakit ba dumarating sa punto,
Na tila tayo ay sinusubukan ng pagkakataon?

Kaya naman habang nanlalamig ka,
Tinutulak naman akong palayo sa’yo, sinta.
Mas lalo kong tatatagan ang damdamin ko,
At ipaparamdam ko na dahil sa’yo lang,
Umiikot ang aking mundo.

Kailanma’y di kita ipagpapalit,
Kahit kanino pa.
Ikaw pa rin ang hiling,
Na ibinigay ng langit sa akin.

Sana’y mas lalo pang pagtibayin,
Ang pagmamahalan natin.
Para kang talang bumaba sa langit,
Di ko alam kung bakit sa’yo ako’y naakit.

Wala nang ibang mahalaga para sa akin,
Ikaw lang talaga.
Dahil sa’yo lang ako maglalambing.

Sa tuwing nanlalamig ka, mas lalong naglalambing,
Ang pusong tinutulak mo palayo.
Hinding-hindi ako sa’yo,
Magtatangkang bumitaw.
Ako’y nasakop mo, buong-buong buo.